^

Bansa

Humihirit ng ECQ dumarami

Danilo Garcia, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Humihirit ng ECQ dumarami
Sinusugan ni UP Ins­titute of Mathematics Prof. Guido David ang panawagan ng medical community na magpatupad muli ng 2-linggong ECQ sa Metro Manila na maaari ring maging dahilan para magkaroon ng ‘flattening of the curve’ sa kaso ng COVID-19.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Bilang suporta sa medical frontliners, mas dumami pa ang mga pa­nawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik muli sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila.

Sinusugan  ni UP Ins­titute of Mathematics Prof. Guido David ang panawagan ng medical community na magpatupad muli ng 2-linggong ECQ sa MM na maaari ring maging dahilan para magkaroon ng ‘flattening of the curve’ sa kaso ng  COVID-19.

Pero hindi kumbinsido si David na kaya ng 2-linggong ECQ para ma-flatten ang curve sa NCR.

Naniniwala si David na sapat na ang isang buwang ECQ sa NCR para bumagal ang transmission ng COVID-19.

Mas handa na rin aniya ang gobyerno ngayon pagdating sa testing, contact tracing at isolation kaya magiging mas epek­tibo ito kumpara noong unang inilagay sa ECQ ang Metro Manila.

Ehemplo umano dito ang Cebu City na biglang tumaas ang kaso ng COVID-19 kaya inilagay sa ECQ na nagresulta ng pagbaba ng transmission rate.

Sa Senado, sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto, na panahon na para maki­pag-appointment ang Pangulo sa mga doktor at personal na pakinggan ang kanilang mga hinaing.

Para kay Sen. Richard Gordon, dapat ikonsidera ng gobyerno ang mga daing ng medical frontliners sa pagdedesisyon at pagpapatupad ng quarantine levels.

Pagod na pagod na umano ang mga health workers at marami na rin ang nagkakasakit sa kanila halimbawa na lamang nito ang mga medical technicians ng Red Cross na marami na rin sa kanila ang dinapuan ng COVID-19.

Sa panig naman ni Albay Rep. Edcel Lagman, ang relief at recovery ng kalusugan ng tao ang dapat iprayoridad  sa halip na ang negosyo sa mga critical area.

Giit pa ni Lagman, hindi dapat na tularan ang ibang bansa na tulad ng Japan na nagbukas agad ng kanilang ekonomiya, leisure at domestic travel activities kaya muling bumalik ang COVID-19 doon.

Una rito ay nanawagan ang League of Provinces of the Philippines (LPP), kay Pangulong Duterte na palawigin pa ang ECQ dahil na rin sa dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Una na ring hiniling ng mga medical frontliners na ibalik sa ECQ ang NCR para maampat ang tumataas na kaso at makapagpahinga naman sila na nakararanas nga­yon ng sobrang pagod.

Sa pagtataya ng UP, posibleng umabot sa 150,000 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto.

Samantala, nagsagawa naman ng pagpupulong ang mga miyem­bro ng gabinete at si Pa­ngulong Duterte para talakayin ang kahilingan ng medical community na muling ibalik sa ECQ ang Metro Manila at karatig lugar na mataas din ang kaso ng COVID-19.

vuukle comment

ECQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with