Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, narinig ni Duterte ang hinaing ng medical community na napapagod na sa patuloy na paglaban sa COVID-19 lalo pa’t mas tumaas ang bilang ng may impeksiyon ng luwagan ang quarantine.
Boy Santos, file
Hirit na ECQ sa Metro Manila pinaaaksyunan ni Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na aksyunan ang panawagan ng health workers na ila­gay ang Metro Manila sa enhanced community quarantine (ECQ) sa loob ng dalawang linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng may COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, narinig ni Duterte ang hinaing ng medical community na napapagod na sa patuloy na paglaban sa COVID-19 lalo pa’t mas tumaas ang bilang ng may impeksiyon ng luwagan ang quarantine.

Pag-uusapan na aniya ng IATF ang gustong mangyari ng healthcare workers na ilagay ang Metro Manila sa ECQ.

“President Rodrigo Roa Duterte has heard the concerns of the medical community and the Chief Executive has directed the Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) to act on these concerns immediately,” sabi ni Roque.

Idinagdag ni Ro­que na kinikilala ng Malacañang ang kahalagahan ng mga health workers bilang frontliners sa paglaban sa COVID-19.

Nagpasalamat din ang Palasyo sa kontribusyon ng mga healthcare workers ngayong panahon ng pandemic.

Tiniyak ni Roque na napakinggan ang tinig ng medical workers at hindi bibiguin ng Palas­yo ang mga ito.

“Your voices have been heard. We cannot afford to let down our modern heroes. This is our commitment,” ani Roque.

Napaulat na sinabi ni Dr. Maricar Limpin, Vice President ng Philippine College of Physicians na inire­rekomenda nilang ibalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na ECQ kahit sa loob lamang ng dalawang linggo upang mabigyan naman sila ng “breathing space” o pagkakataong makapagpahinga.

“Kasi kami po ang naririyan sa battlefield, kami po ‘yung humaharap at nakakakita ng nangyayari. Kaila­ngang pakinggan kami ng gobyerno,” sabi ni Limpin.

Sinabi rin ni Limpin na hindi na dapat hintayin ng gobyerno na bumagsak ang lahat ng mga health workers dahil araw-araw ay parami nang parami ang mga dinadapuan ng COVID-19.

ECQ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with