Kaugnay nito, ini­anunsyo naman ni House Secretary Gene­ral Atty Jose Luis Montales na dalawa namang empleyado na nakatalaga sa tanggapan ni Speaker Alan Peter Ca­yetano ang nagpositibo rin sa COVID 19.
Walter Bollozos, file
Rep. Hataman, misis, 2 staff ni Cayetano positibo sa COVID-19
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si Basilan Rep. Mujiv Hataman at misis nito.

Sa kaniyang mensahe na ipinaabot sa mga reporter sa Kamara inamin ni Hataman na positibo sila ng kaniyang misis sa resulta ng COVID test.

“Nitong nakaraang Huwebes, dahil sa inakala naming karaniwang ubo, nagpasya kami ng maybahay kong si Mayor Dadah na magpatest para sa COVID-19. Bumalik na ang resulta. Positive kami pareho. Hinihintay din namin ang resulta ng mga test sa aming mga anak at sa lahat ng kasama namin sa bahay dito sa Basilan,“ pahayag ni Hataman.

Sinabi ni Hataman na kasalukuyan na silang naka-quarantine ng kaniyang misis at gumagawa na rin ng mga hakbang upang ma­ging ligtas ang kanilang tahanan.

Nagpapatupad na rin sila ng  mas mahigpit na health protocols para ma-contain na ang virus at masiguradobg hindi na tumawid pa palabas ng kanilang pamilya ang sakit.

Kaugnay nito, ini­anunsyo naman ni House Secretary Gene­ral Atty Jose Luis Montales na dalawa namang empleyado na nakatalaga sa tanggapan ni Speaker Alan Peter Ca­yetano ang nagpositibo rin sa COVID 19.

“Both last reported for work on July 16 and got tested on July 25 after experiencing some symptoms. We reiterate that we shouldn’t let our guard down. We now face higher risk because the virus has spread in homes, workplaces, and communities. Please be extra cautious,” ani Montales.

Ang dalawa ay pang 27 at 28 kaso ng COVID sa Kamara.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with