Bong Go: ‘Poorest of the poor’ uunahin sa COVID-19 vaccine
(Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling iginiit ni Senator Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate committee on health and demography, ang pa­nawagan niya sa Health Department at iba pang concerned agencies na unahin ang “poorest of the poor” o ang mas nangangailangan kapag nasimulan na ang coronavirus disease (CO­VID-19) vaccine program ng pamahalaan.

“Kapag dumating ang panahon na mayroon nang vaccine at gamot laban sa COVID-19, dapat handa tayo na mabigyan ang lahat ng Pilipinong nangangaila­ngan nito, lalo na ang mga mahihirap,” ayon kay Go.

Ipinaalala ni Go na tiyak na magkakaroon ng mga problema kapag nariyan na ang bakuna sa COVID-19 kaya dapat aniya na mapaghandaan ang mga posibleng senaryo para masiguro na magiging accessible ito sa mga mas nanga­ngailangan.

“Huwag sana paba­yaan ang mga mahihirap. Paghandaan na natin ngayon palang. Magtabi na tayo ng budget para masigurong kakayanin ng gobyerno na matulungan ang mga mahihirap. Magkaroon po tayo ng plano kung saan dapat pantay-pantay at hindi lang ang mga may kaya sa buhay ang makakakuha,” ang giit ni Go.

Matatandaan na umapela sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte nitong July 31, na makipagkaisa at magtiwala sa gobyerno dahil inihahanda na ang kinakailangang panuntunan habang inaaral pa ng mga scientist at health expert ang bakuna sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, posibleng makakuha ang Pilipinas ng COVID-19 vaccines mula sa China pero may mga binubusisi ring bakuna mula sa iba pang bansa.

“Ang mauna ‘yung walang-wala... tsaka ‘yung mga nasa hospital... ‘Yung pangalawa, middle income. Libre ito, hindi ko ito ipagbili....” ang paniniyak ni Pa­ngulong Duterte.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with