77th Malasakit Center, binuksan sa Guimaras
(Pilipino Star Ngayon) - August 2, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa gitna ng patuloy na pandemya na dala ng coronavirus disease (COVID-19) ay binuksan ang ika-77 Malasakit Center sa Dr. Catalino Gallego Nava Provincial Hospital sa island province ng Guimaras.

Virtually ay nakiisa si Sen. Bong Go sa pag­lulunsad ng Malasakit Center sa Guimaras.

Ito ang ikalimang Malasakit Center sa Western Visayas region at ika-20 naman sa Visayas.

Pinasimple ng Malasakit Center ang pro­seso para sa humihingi ng medical at financial assistance mula sa iba’t ibang government agencies gaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corp. at Philippine Charity Sweepstakes Office, at maging mga kaugnay na tulong na ibinibigay ng local government units, non-government organizations at private institutions at indibiduwal.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11463, na iniakda ni Go, ang lahat ng ospital na pinatatakbo ng DOH at Philippine General Hospital sa Maynila ay may mandatong magtatag ng sarili nitong Malasakit Centers.

Ani Go, nagsimula ang Malasakit Center noong siya ay nagsisilbi bilang Special Assistant to the President.

Dahil sa tagumpay nito sa pagtugon sa mga nangangailangan ng medical assistance lalo na sa mga indigent patients, nagdesisyon si Go na i- institutionalize ito sa batas nang mahalal siya bilang senador noong 2019.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with