^

Bayanihan 2 aprub na sa Senado

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aprubado na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.

Sa botong 22 pabor at 1 hindi pabor ay naipasa ang Senate Bill 1564 na nagpapahintulot sa gobyerno na ituloy ang pagtugon sa COVID-19 at tulungan ang mga apektadong sektor na makarekober sa impact ng pandemic.

Ayon kay Sen. Sonny Angara, may akda at sponsor ng nasabing panukala na ang Bayanihan 2 ay epektibong magpapalawig sa validity ng COVID-19 programs at interventions ng gobyerno sa ilalim ng Republic At 11469 o ang Bayanihan to Heal as One Act na nagtapos noong Hunyo 5, 2020.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, sinisiguro na magkakaroon ng sapat na pondo ang gobyerno para magsagawa ng testing para sa COVID-19 at para sa contact tracing gayundin patuloy na makakatangap ng financial support ang mga health workers na nasawi dahil sa virus.

Papayagan din ang gobyerno na ituloy ang pagbibigay tulong sa mga negosyante at manggagawang Filipino na naapektuhan ng pandemic gayundin ang mga OFWs na napabalik dito sa bansa.

Kabuuang P140 bilyon ang inilaan na pondo para sa nasabing batas, P10 bilyon para sa pagbili ng PCR testing at extraction kits at mga supplies, P15 bilyon sa cash for work program at sa displaced workers habang P17 bilyon para sa unemployment o involuntary separation assistance ng DOLE.

BILL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with