_ngayon
^
Bacoor LGU binanatan sa 'pagsamantala' ng COVID-19 pandemic para sa reclamation
Kuha ng diumano'y reclamation project na ginagawa sa Bacoor City kahit hindi pa ito pinahihintulutan at nasa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic ang Pilipinas.
Released/PAMALAKAYA

Bacoor LGU binanatan sa 'pagsamantala' ng COVID-19 pandemic para sa reclamation

(Philstar.com) - July 23, 2020 - 8:11pm

MANILA, Philippines —  Kinastigo ng isang grupo ng mga mangingisda ang "pag-abuso" diumano ng Bacoor City local government unit (LGU) sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic para maituloy ang kontrobersyal na proyektong magpapaalis sa daan-daang pamilya.

Ang 420-ektaryang Manila Bay reclamation projects na itinutulak ni Bacoor Mayor Lani Mercado-Revilla ay sinasabing kikita ng P1.8 bilyon taun-taon at gagawa ng 700,000 trabaho. Pero ayon sa PAMALAKAYA, 700 pamilya ang mapapalayas nito.

Miyerkules nang mamataan ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang operasyon ng backhoe sa ire-reclaim na lugar — kahit pinagbabawalan pa ito ng environmental compliance certificate (ECC-CO-1909-0023) ng 320-ektaryang first phase ng proyekto.

"We firmly oppose this reclamation as it would entail massive displacement of fishing and coastal families along the shorelines of Bacoor City, a contradiction to the stay-at-home policy being imposed by the national government during the pandemic," ani Fernando Hicap, chairpersonng PAMALAKAYA.

Epekto sa Manila Bay

Bukod pa riyan, wawasakin daw lalo proyekto ang Manila Bay: "Reclamation will hasten the death of Manila Bay which is currently under the intensive care unit and in full environmental comatose. That undertaking by design and by orientation, and by law is against the Supreme Court mandamus on Manila Bay, and even with the Malacanang's rehabilitation campaign," sabi pa ni Hicap.

Pebrero nang ireklamo ng PAMALAKAYA si Revilla sa Office of the Ombudsman, lalo na't paglabag daw ang proyekto sa 2008 Supreme Court mandamus para linisin at i-rehabilitate ang Manila Bay.

Matatandaang pinalagan din ni Sen. Cynthia Villar noong Hunyo ang proyekto, sa dahilang banta raw ito sa protected area at patitindihin ang mga pagbaha.

Nangako naman ng in-city relocation si Mercado para sa mga maralitang lungsod at mangingisdang mawawalan ng kabuhayan dahil sa proyekto.

Pero ayon kay Myrna Candinato, presidente ng PAMALAKAYA-Bacoor, pabibilisin lang nito ang pagkasira ng kalikasan at demolisyon ng urbanpoor at mangingisda.

"This project is a curse. It will not only kill our livelihood. The Bacoor reclamation project is also meant to remove us from our communities," ani Candinato.

"The Bacoor reclamation project is also meant to remove us from our communities. Where we will be go from here? Our government is not after our rights and welfare. It is only after the interest of big investors and real estate money makers in exchange for fat kickbacks." — James Relativo

BACOOR CITY LANI MERCADO-REVILLA MANILA BAY PAMALAKAYA RECLAMATION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with