Asunto vs Sen. Koko, tuloy - DOH
Ito ay makaraan na magsumite si Sen. Koko Pimentel ng kaniyang affidavit sa Department of Justice (DOJ) bilang sagot sa kasong isinampa ni Atty. Rico Quicho, dating dean ng University of Makati. Dito iginigiit ng senador na hindi siya PUI nang magtungo sa Makati City Medical Center noong Marso 24.
The STAR/Mong Pintolo, file
Asunto vs Sen. Koko, tuloy - DOH
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 18, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inamin kahapon ng Department of Health (DOH) ang pagsasampa ng reklamo laban kay Sen. Koko Pimentel dahil sa paglabag sa “qua­rantine protocol” nang magtungo siya sa isang pagamutan sa Makati sa kabila na isa siyang “person-under-investigation (PUI)”.

“We have endorsed it to the appropriate autho­rity such as NBI (National Bureau of Investigation) and PNP (Philippine National Police),” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Ang DOH naman usually administrative sa amin but with regard to this, meron nang ibang process na kailangan so we have submitted it to the proper authority,” dagdag ng opisyal.

Ito ay makaraan na magsumite si Pimentel ng kaniyang affidavit sa Department of Justice (DOJ) bilang sagot sa kasong isinampa ni Atty. Rico Quicho, dating dean ng University of Makati. Dito iginigiit ng senador na hindi siya PUI nang magtungo sa Makati City Medical Center noong Marso 24.

Sinampahan ni Qui­cho si Pimentel ng kasong paglabag sa Republic Act 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act makaraang sabihin ng DOJ na hindi makakasuhan ang senador kung walang pormal na reklamo.

KOKO PIMENTEL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with