Makikitang nagtatalumpati si Pangulong Rodrigo Duterte sa Malago Clubhouse, Malacañang habang kasama ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on the Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ika-15 ng Hulyo, 2020
Presidential Photos/Simeon Celi Jr.
NCR tuloy sa GCQ habang Cebu City niluwagan sa MECQ hanggang ika-31 ng Hulyo
(Philstar.com) - July 16, 2020 - 12:12am

MANILA, Philippines — Muling pinalawig nang dalawang linggo sa National Capital Region (NCR) ang  maluwag-luwag na general community quarantine (GCQ) kasabay ng pagbababa ng modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Lungsod ng Cebu, gabi ng Miyerkules.

Magtatagal ang mga naturang quarantine classifications laban sa coronavirus disease (COVID-19) hanggang ika-31 ng Hulyo.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, una nang inirekomenda ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na magbalik sa mas mahigpit na MECQ ang Metro Manila upang mapabagal ang pagkalat ng nakamamatay na virus.

"Pero nag-apila po ang ating Chief Implementer at ang ating Secretary of Interior and Local Government dahil nangako po ang ating mga mayor sa Metro Manila na paiigtingin pa nila ang kanilang localized lockdown," wika ni Roque.

"Ang kaisa-isang siyudad po na mananatili sa MECQ ay ang siyudad ng Cebu."

Dahil sa pangakong paiightingin ang testing, tracing, treatment at mas malawakang restrictions sa GCQ, pumayag si Duterte na huwag munang ibalik sa MECQ ang Metro Manila ngayong araw.

Gayunpaman, posible raw na bumalik sa MECQ ang punong rehiyong kapag hindi pa rin napabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Ang mga sumusunod na lugar ay mananatili sa GCQ

  • National Capital Region
  • Laguna
  • Cavite
  • Rizal
  • Lapu-Lapu City
  • Mandaue City
  • Ormoc City
  • Southern Leyte
  • Zamboanga City
  • Butuan City
  • Agusan del Norte
  • Basilan
  • Talisay, Cebu
  • Minglanilla, Cebu
  • Concepcion, Cebu

"Bukas po ang ating mga malls [sa mga lugar na ito], bawal po magtambay diyan sa mga malls. At bagama’t mayroon na pong dine-in ngayon po 30%, mai-increase po ‘yan pagdating ng bente uno ng buwan na ito to 50%," dagdag pa ni Roque.

"Wala pa rin pong public gathering hanggang sampu katao pa lang, bagama’t pinayagan po ng IATF sa GCQ areas ang pagsamba hanggang 10 percent."

Bagama't makakapag-ehersisyo na sa publiko at bukas na ang ekonomiya sa GCQ areas, hindi pa rin pwedeng lumabas ng bahay ang mga kabataan, matatanda at may mga sakit.

Ang mga public gathering naman sa mga MECQ areas ay hanggang lima katao lamang ang papayagan lang at maaari lang lumabas ang para sa iilang indistriya kung saan pwedeng nagtratrabaho at yaong mga kukuha ng mga pang-araw-araw na pangangailangan.

Samantala, modified GCQ, medium risk naman ang mga sumusunod na lugar:

Cordillera Administrative Region

  • Benguet
  • Baguio City

Region I

  • Ilocos Sur
  • Pangasinan
  • Ilocos Norte
  • La Union
  • Dagupan City

Region II

  • Cagayan
  • Isabela
  • Nueva Vizcaya

Region III

  • Bataan
  • Nueva Ecija
  • Pampanga
  • Bulacan
  • Tarlac
  • Zambales
  • Angeles City

Region IV-A

  • Batangas
  • Quezon
  • Lucena City

Region IV-B

  • Oriental Mindoro
  • Occidental Mindoro
  • Puerto Princesa City

Region V

  • Albay
  • Masbate
  • Camarines Norte
  • Camarines Sur
  • Catanduanes
  • Sorsogon
  • Naga City

Region VI

  • Iloilo
  • Negros Occidental
  • Capiz
  • Antique
  • Aklan
  • Guimaras
  • Iloilo City
  • Bacolod City

Region VII

  • Negros Oriental
  • Bohol
  • Cebu Province

Region VIII

  • Western Samar
  • Leyte
  • Biliran
  • Tacloban City

Region IX

  • Zamboanga del Sur
  • Zamboanga Sibugay
  • Zamboanga del Norte

Region X

  • Misamis Occidental
  • Bukidnon
  • Lanao del Norte
  • Cagayan de Oro City
  • Iligan City

Region XI

  • Davao Oriental
  • Davao del Norte
  • Davao del Sur
  • Davao de Oro
  • Davao City

Region XII

  • Sultan Kudarat
  • Cotabato
  • South Cotabato
  • General Santos City

Region XIII

  • Agusan del Sur
  • Dinagat Island
  • Surigao del Norte
  • Surigao del Sur

Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao

  • Lanao del Sur
  • Maguindanao

Lahat ng mga lugar na hindi nabanggit ay nasa low-risk MGCQ. Quarantine pa rin sa nasabing lugar kahit dito pinakamaluwag, kung kaya't kailangan pa ring magsuot ng mask, palagiang paghuhugas ng kamay at physical distancing.

"Nagpapa-alala po tayo na gaya po ng sinabi ng UP ni Professor Ranjit Rye, bagama’t mayroon po tayong mga forecast na hanggang 80,000 ang magkaka-COVID sa ating bansa itong buwan ng Hulyo, tama po na himukin natin ang isa’t isa na sana gawin ang lahat ng hakbang para hindi po magkaroon ng katuparan ang 80,000 na COVID cases pagdating po ng July 31," dagdag pa ni Roque.

Kasalukuyang nasa 58,850 na ang tinatamaan ng nakamamatay na sakit sa buong Pilipinas, ayon sa huling taya ng Department of Health (DOH) noong Miyerkules. Sa bilang na 'yan, 1,614 na ang namamatay. — James Relativo

Related video:

COMMUNITY QUARANTINE NOVEL CORONAVIRUS RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with