Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gagawin lamang ng gobyerno ay ililipat sa mga quarantine facilities ng gobyerno ang mga sumasailalim sa home quarantine na puwede pa ring makasa-lamuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya.
Michael Varcas
Walang ‘house-to-house’ search sa COVID-19 patients - Palasyo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Walang magaganap na house-to-house para i-test ang mga mamamayan at matukoy kung sino ang positibo sa COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang gagawin lamang ng gobyerno ay ililipat sa mga quarantine facilities ng gobyerno ang mga sumasailalim sa home quarantine na puwede pa ring makasa-lamuha ng mga miyembro ng kanilang pamilya.

Sa panayam sa ANC, sinabi ni Roque na ang mga may sintomas o may COVID-19 ay dapat aniyang i-report ng kanilang mga kamag-anak o barangay o mismong ng pasyente.

Mas maaalagaan din sa mga quarantine facilities ang mga positibo sa COVID-19.

Idinagdag nito na may kapangyarihan ang gobyerno na ilipat sa mga quarantine facilities ang mga pasyente upang mapangalagaan ang kalusugan ng iba na hindi pa nahahawa.

Sa Laging Handa press briefing noong Mar­tes, sinabi ni Roque na nili­naw sa meeting ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disea­ses na ang pupuwede lamang mag-home quarantine ay ‘yong may mga sari-ling kuwarto, may sariling toilet at walang kasamang matanda, may sakit o buntis.

Ang mga walang sa-riling kuwarto at sariling banyo pero positibo sa COViD-19 kahit pa asym­p­tomatic ang susundiin aniya ng Oplan Kalinga.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with