“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Health Secretary Francisco Duque sa isang online press conference kahapon.
Geremy Pintolo, file
‘Flattening of the curve’ sa COVID-19 naabot na – Duque
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naabot na ng Pilipinas ang tinatawag na ‘flattening of the curve’ ng mga kaso ng COVID-19 mula noong Abril pa, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

“We have successfully flattened the curve since April,” ayon kay Duque sa isang online press conference kahapon.

Iginiit niya na ang kaniyang kon­klusyon ay base sa mas mahabang pagdoble ng kaso ng COVID-19 at ng bilang ng mga nasasawi. Mula sa 2.5 araw bago magdoble ang bilang ng mga kaso, nasa 8-12 araw na umano ito ngayon bago magdoble.

Dulot umano ito ng malaking ibinuti ng programa at pagresponde ng pamahalaan sa COVID-19 tulad ng mga quarantine protocols at pagpapalakas ng kapabilidad ng health system.

Sa Metro Manila, may average na 8.89 araw bago magdoble ang mga kaso habang 8.25 araw naman sa Cebu City.  Sa buong bansa, may average na 8.18 araw bago magdoble umano ang mga kaso.

Ngunit inamin naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas mataas ang average na kada araw ng COVID-19 na 766 ngayong Hulyo kumpara noong Hunyo. Dulot umano ito ng pagtaas sa mga kaso sa mga binabantayang lugar at clustering o pagkakakumpol-kumpol nito sa mga komunidad.

Related video:

COVID-19 FRANCISCO DUQUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with