“I regret to announce that today, July 15, I received my test result and it is positive for COVID-19,” ayon sa post ni DPWH Sec­retary Mark Villar sa kaniyang Facebook account.
STAR/Boy Santos, file
DPWH Sec. Villar positibo sa COVID-19
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa COVID-19 si Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec­retary Mark Villar ma­karaang sumailalim sa swab test.

“I regret to announce that today, July 15, I received my test result and it is positive for COVID-19,” ayon sa post ni Villar sa kaniyang Facebook account.

Si Villar ang ikatlong miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpositibo sa virus makaraang dapuan nito sina Education Secretary Leonor Briones at Interior Secretary Eduardo Año na kapwa naman na­karekober.

Ang pagkakahawa niya ay makaraan rin na pangalanan siya ng Pa-ngulo na COVID isolation czar dahil sa pagpapata- yo ng DPWH ng mga ‘isolation at quarantine facilities’ sa bansa.

Kasalukuyang abala si Villar sa pagpapatayo ng 11 karagdagang isolation facilities at dormitories sa iba’t ibang panig ng bansa. Ikinukunsidera rin nila ang paggamit sa mga container vans bilang isolation rooms.

DPWH MARK VILLAR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with