Roque, Lorenzana negatibo sa COVID-19
MANILA, Philippines — Kapwa nagnegatibo sa COVID-19 sina Presidential Spokesperson Harry Roque at Defense Secretary at head ng National Task Force Against COVID-19 Delfin Lorenzana.
Sa isang text message, ipinahatid ni Lorenza ang resulta ng test. Nauna rito, nagpositibo ang aide ni Lorenzana nang dumating sila sa Jolo, Sulu noong Lunes.
Inihayag naman ni Roque na negatibo rin ang resulta ng kanyang RT-PCR Test na isinagawa sa Taguig kamakalawa.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Roque na sasailalim pa rin siya sa rapid test bago makipag-meeting kahapon kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Pananatilihin din aniya ni Roque ang malayong distansiya sa Pangulo at susunod sa health protocol katulad ng pagsusuot ng face mask at paghuhugas ng kamay.
- Latest