Pagluwag ng quarantine sa Metro Manila malabo
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malabong maibaba sa mas maluwag na quarantine status ang Metro Manila.

Ipinahiwatig ni Presidential Spokesman Harry Roque na hindi na dapat umasa ang Metro Manila na magluluwag ang quarantine dahil sa lumalabas na datos sa kaso ng COVID-19 na patuloy ang pagtaas.

“Lilinawin ko lang po na bagama’t wala pong desisyon  ang Presidente...datos po ang tinitignan natin kung tayo po’y magluluwag. At siguro po at this point the data does not indicate na pupwedeng magluwag po at least sa Metro Manila. Para lang po to manage expectations,” sabi ni Roque.

Ayon kay Roque, may pagpupulong pang gagawin ngayong araw ang Inter-Agency Task Force para sa pinal na rekomendasyon ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Bukas posibleng iha­yag ng Pangulo ang ma­giging bagong classification ng quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aminado naman si National Task Force COVID-19 chief implemen­ter Sec. Carlito Galvez Jr., na nakita nila na may mga ospital sa Maynila na napupuno na ng mga pasyente.

Pero tumanggi rin si Galvez na ihayag ang mga magiging pagbabago sa mga quarantine at ipapaubaya na lamang sa Pangulo ang pag-aanunsiyo nito.

Sa kasalukuyan ay umiiral ang GCQ sa NCR hanggang Hulyo 15.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with