Mas mataas ito sa naunang pagtataya ni UP Prof. Guido David, na aabot ang kaso ng COVID ng 70,000 sa pagtatapos ng Hulyo. Sinabi rin niya na maaaring umabot ang kabuuang kaso sa 100,000 sa pagtatapos naman ng Agosto.
AFP/Miggy Hilario, file
COVID-19 sa Pinas aabot ng 80K sa katapusan ng Hulyo
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasampa sa 80,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas hanggang sa ka­tapusan ng Hulyo, batay sa pagtataya ng University of the Philippines Institute of Mathematics.

Mas mataas ito sa naunang pagtataya ni UP Prof. Guido David, na aabot ang kaso ng COVID ng 70,000 sa pagtatapos ng Hulyo. Sinabi rin niya na maaaring umabot ang kabuuang kaso sa 100,000 sa pagtatapos naman ng Agosto.

Ikinatwiran ni David na ito ay dahil sa mas mataas pang bilang ng hawahan ng virus sa National Capital Region (NCR) na isinailalim nila sa pagsusuri gamit ang ibang indicator tulad ng ‘positi­vity rate, antas ng dami ng naoospital at bilang ng mga kaso.

Bukod sa NCR, inaasahan din na tataas ang mga kaso sa mga rehiyon at mga probinsya.

“Asahan talaga nating lalong dadami ang cases and ang problem diyan is hindi lang sa NCR. Madadamay na ulit ang Calabarzon, and maybe even Central Luzon kasi hindi namomonitor masyado ang borders natin under general community qua­rantine at modified general community quarantine.

Sinabi ni David na hindi pa napapanahon para isailalim ang MM sa MGCQ mula GCQ dahil malapit nang mapuno ang mga ospital na infected ng COVID-19.

Anya, ang kanilang trend analysis ay maaa­ring magsilbing batayan ng pamahalaan sa kung ano ang gagawin sa susunod na mga araw.

Sinabi ni David na mas maiging manatiling nasa ilalim ng GCQ ang NCR o maibalik ito sa mas mahigpit na community quarantine kung nananatili ang epekto ng pandemic sa ekonomiya. Danilo Garcia

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with