Bago inilabas ang desisyon ng HTAC, sinabi ni Angelina Tan ang kaniyang posisyon sa pagbubukas ng ‘competitive bidding’ sa bakuna. Ito ay matapos maglabas ng ebidensya ang World Health Organization (WHO) na mayroong dalawang bagong bakuna sa merkado na kinabibilangan ng PVC 10 at PVC 13 na magbibigay ng parehong proteksyon sa mga bata laban sa pneumonia.
Philstar.com/ File
Bidding sa pneumonia vaccine sa mga bata, aprub na
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinayagan na ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ng Department of Health (DOH) ang pagsasagawa ng bidding sa dalawang pneumococcal conjugate vaccine (PCV) na bahagi ng programa ng gobyerno sa bakuna laban sa pneumonia para sa mga batang limang taon pababa.

Kasabay nito, pinapurihan ni 4th District Quezon Rep. AngelinaTan, Chairman ng House Committee on Health ang HTAC at DOH dahil isa itong magandang kaganapan na ang naturang ahensya ay nasa tamang landas. Ang pneumonia ay isa sa mga pangunahing sakit na nakamamatay sa mga bata.

Bago inilabas ang desisyon ng HTAC, sinabi ni Tan ang kaniyang posisyon sa pagbubukas ng ‘competitive bidding’ sa bakuna. Ito ay matapos maglabas ng ebidensya ang World Health Organization (WHO) na mayroong dalawang bagong bakuna sa merkado na kinabibilangan ng PVC 10 at PVC 13 na magbibigay ng parehong proteksyon sa mga bata laban sa pneumonia. 

Sinabi ni Tan na kapag napatunayan sa health assessment na ang PVC 10 at PVC 13 ay kapwa epektibo ay kailangan pa itong dumaan sa pro­seso ng pagkuha ng bakuna na competitive upang makatipid ng pondo ang gobyerno ngayong panahon ng pandemya na nakaapekto sa  pandaigdigang ekonomiya.

Nabatid na ang PVC10 at PVC 13 ay mas mura at parehong epektibo. Ang kasalukuyang PVC na ginagamit ngayon sa publiko ang pinakamahal na bakuna sa National Immmunization Program (NIP) na nasa P4.4 bilyon na mahigit kalahati sa pondo ng NIP na nasa P7.2 bilyon sa taong 2020.

 

PNEUMONIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with