Babala ito ng British charity group na Save the Children na tinukoy ang datos mula sa UNESCO na noong Abril ay 1.6 bilyong kabataan, o 90% ng buong populasyon ng mga mag-aaral sa buong mundo, ang hindi na nakapasok sa mga eskwelahan at unibersidad bilang bahagi ng mga pamamaraan na ipinatupad ng mga pamahalaan, sa pagsusumikap na mapigilan ang pagkalat ng virus.
AFP/Ted Aljibe, file
10 milyong mag-aaral ‘di na makakabalik pa sa klase matapos ang pandemic - study
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Halos 10 milyong mag-aaral na apektado ng pagsasara ng mga paaralan dahil sa COVID-19 pandemic, ang hindi na makabalik sa klase kahit pa matapos na ang krisis.

Babala ito ng British charity group na Save the Children na tinukoy ang datos mula sa UNESCO na noong Abril ay 1.6 bilyong kabataan, o 90% ng buong populasyon ng mga mag-aaral sa buong mundo, ang hindi na nakapasok sa mga eskwelahan at unibersidad bilang bahagi ng mga pamamaraan na ipinatupad ng mga pamahalaan, sa pagsusumikap na mapigilan ang pagkalat ng virus.

“For the first time in human history, an entire generation of children globally have had their education disrupted,” anang grupo.

Bukod dito, ang pagbagsak anila ng ekonomiya dahil sa krisis ay maaaring maglugmok sa kahirapan, sa karagdagang 90-117 milyong estudyante pa.

Marami rin anila sa mga kabataan ang napupuwersang maagang maghanapbuhay at ang mga kabataang babae naman ay pinipilit na maagang mag-asawa upang masuportahan ang kanilang pamilya, na posibleng magresulta sa permanente nang pag-drop out sa mga paaralan ng mula pito hanggang 9.7 milyong kabataan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with