Backpack-type barrier ng Angkas, aprub
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na aprub na ang “special suit” o “backpack-type” barrier sa motorsiklo na dinisenyo ng Angkas.

Ayon kay Lorenzana, na siya ring chairman ng National Task Force on COVID-19, ‘effective immediately’ ang paggamit ng backpack-type barrier.

Kailangan pa rin aniyang may proteksiyon sa pagbiyahe ang magkaangkas kaya’t inoobliga ang pagkakaroon ng barrier.

Sinabi ni Lorenzana na ligtas at matibay ang nasabing barrier na disenyo ng Angkas.

Hulyo 10 nang payagan ng pamahalaan ang mag-angkas sa motorsiklo subalit dapat ay may harang sa pagitan ng driver at pasahero dahil prayoridad pa rin na makontrol ang pagkalat ng COVID-19.

Nilinaw ni Lorenzana na mag-asawa at maglive-in partners lamang ang pinapayagang magka- angkas sa motorsiklo.

ANGKAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with