Mabilis na testing sa workers kaya balik-operasyon agad ang MRT-3
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa mabilis at efficient na testing sa mga kawani ng MRT-3 kaya naibalik agad ang operasyon nito.

Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na sa pagtutulungan ng National Task Force at MRT-3 management ay naibalik agad ang operasyon bagama­’t sa limitadong kapasidad lamang.

Paliwanag pa ng DOTr, na kabilang sa hakbang ng MRT-3 para mapangalagaan ang kaligtasan ng kanilang mga tauhan at ng publiko ay ang swab test na isinagawa ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Philippine Red Cross.

Sa mahigit 3,200 workforce ng MRT-3 nasa 1,300 personnel ang pinayagang makapasok upang magpatuloy ang operasyon ng tren.

Nitong nakaraang linggo, kabuuang 1,093 depot personnel at 1,010 station personnel ang nagnegatibo sa COVID-19.

Habang 281 na MRT-3 depot at station personnel na kinabibilangan ng mga tauhan ng maintenance provider na Sumitomo ang nagpositibo sa sakit at kasalukuyang nasa government quarantine facilities sa World Trade Center, Philippine Arena at PhilSports Arena.

Patuloy naman ang contact tracing sa mga nakasa­lamuha ng mga ito para isailalim din sa pagsusuri at ang lalabas na positibo ay ilalagay sa mga quarantine facility ng gobyerno.

Kasabay ng pagbabalik-operasyon ng MRT-3 ay namahagi ng health declaration form sa mga pasahero bilang bahagi ng contact tracing.

 

WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with