Sen. Go sa IATF: Backriding bigyan ng solusyon, ‘di konsumisyon
(Pilipino Star Ngayon) - July 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Umapela si Sen. Bong Go sa Inter-Agency Task Force (IATF) at sa National Task Force (NTF) for COVID-19 na magsagawa ng siyentipikong pag-aaral para mabigyan ng solusyon ang usapin sa motorcycle backriding nang hindi na mangunsumi ang motorcycle drivers, backriders o ang mananakay sa kabuuan. 

Habang ikinagagalak ni Go ang desisyon ng gobyerno na payagan ang motorcycle backriding para lamang sa couples, iginiit naman niya sa concerned agencies na konsultahin din ang riders at ang motorcycle safety experts upang makatulong sa pagdetermina kung ano ang mas ligtas na dapat gawin sa backriding, gaya ng paglalagay ng makeshift shields sa mga motorsiklo.

Sinabi ng senador na malaking tulong ang pagpayag ng IATF sa backriding tulad sa mga mag-asawa dahil limitado pa rin ang transportation options sa panahon ngayon.

Pero kailangan aniyang suriing mabuti ang safety measures na gagawin para masigurong ang backriding ay mapahihintulutan sa ligtas na paraan.

Bukod sa pagsunod sa mga batas trapiko, kailangang masiguro din na ang sinasakyang motor sa backriding ay safe at road-worthy.

Kaya kailangan aniya ang disensyo ng ire-require na safety measures ay ligtas, hindi magiging sanhi ng aksidente at mapipigilan talaga ang pagkalat ng sakit.

BONG GO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with