^

Bansa

Maynila aarestuhin ang magulang kung walang face mask ang anak sa labas habang curfew

Philstar.com
Maynila aarestuhin ang magulang kung walang face mask ang anak sa labas habang curfew
Makikita sa litratong ito sina Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso kasama sina Vice Mayor Honey Lacuna, ika-12 ng Hulyo, 2020
Released/Manila Public Information Office

MANILA, Philippines — Kalaboso ang naghihintay sa mga magulang na hahayaang walang face mask ang anak na menor de edad sa panahon ng coronavirus disease (COVID-19) at curfew, ayon sa pahayag ng alkalde ng Maynila, Lunes.

Ayon kay Manila Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso, alinsunod sa "Anti-Child Endangerment Ordinance" ang kautusang ito, lalo na't maaaring ma-expose sa nakamamatay na virus ang mga bata.

"Let’s start jailing irresponsible parents. I don’t mind kung mapuno ang ating mga kulungan ng mga pabayang magulang dahil sa paglabag sa Ordinance No. 8243," ani Domagoso.

"Hard time requires hard decision para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19."

Maaaring makulong nang hanggang anim na buwan at/o pagbayarin ng P5,000 multa ang sinumang lalabag sa ordinansa kung 12-anyos pababa ang batang "mapapabayaan."

Mas mababa naman ang parusa kung 15 hanggang 17-anyos ang bata, na mangangahulugan ng isang buwang kulong o P2,000 multa.

Bukod pa iyan sa Ordinance 8644 ng Maynila, na nag-oobliga sa lahat ng magsuot ng face mask sa pampublikong lugar. Ngayong umaga, 1,039 na ang nahuhuli kaugnay ng paglabag dito: "Karamihan sa kanila ay minors."

Umabot naman na sa 9,367 ang lumalabag sa Oridinace 8547 ng Maynila, na tumutukoy naman sa curfew.

"Marami dyan ay pinabayaan ng mga magulang. Ilan sa kanila ay positibo sa COVID-19 matapos ang testing pagkaraang ma-rescue sa kalsada," wika pa ni Domagoso.

"Kaya ang utos ko ngayong umaga kina MPD BGen Rolly Miranda at MDSW director Re Fugoso simulan na ang pag-file ng kaso laban sa mga pabayang magulang." 

Sa huling taya ng Department of Health (DOH), 57,006 na ang nadadali ng COVID-19 sa Pilipinas. 1,599 sa kanila ang binawian na ng buhay dahil sa virus. — James Relativo

vuukle comment

FACE MASK

ISKO MORENO

MANILA

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with