“We are now discouraging ‘yung tinatawag na mag-home quarantine. Dapat facility quarantine na,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Geremy Pintolo, file
COVID-19 positives wala nang home quarantine
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na hinihikayat ng gobyerno na sumailalim sa home quarantine ang mga indibidwal na nagpositibo sa COVID-19.

“We are now discouraging ‘yung tinatawag na mag-home quarantine. Dapat facility quarantine na,” ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Sinabi ni Nograles na mas malaki ang tsansa na mahawa sa virus ang iba pang kasama sa bahay kung mag-home quarantine ang isang tao na nagpositibo kahit pa mag-isolate ito ng kanyang sarili sa hiwalay na silid.

Paliwanag pa ni No­grales, sa halip na mag-home quarantine ay dapat sa facility qua­rantine na lamang ng gobyerno.

Marami umanong facilities ang gobyerno na maaaring mag-accomodate ng mga mild cases kaya hindi na sila ngayon naka-focus sa home quarantine.

“So we’re now shifting na kung mahawa, kahit asymptomatic, mas bibigyan ng priority na doon mag-facility qua­rantine. Anyway, marami pa naman tayong mga facilities na maka-accommodate ng mga mild cases,” saad ni Nograles sa isang panayam.

“‘Yun ang ating mas ipo-focus ngayon na hindi na masyado doon sa home quarantine. Kung merong mga cases, dapat facility quarantine na sila,” dagdag pa nito.

Samantala, nilinaw naman ni Nograles, na tuwing ika-15th at 30th ng buwan ay magbibi­gay sila ng community quarantine level sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas gayundin sa localized lockdown.

Ito umano ang na­pag-usapan nila ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Metro Manila mayors noong Sabado ng gabi sa kanilang virtual meeting at kailangan ay 14-days ang quarantine.

Kailangan din uma­nong makipag-ugnayan ang local government units sa national government kaugnay sa pagtugon nila sa COVID-19.

Dahil dito kaya patuloy na pinaalalahanan ni Nograles ang publiko na laging magpatupad ng minimum health standards tulad ng madalas na paghuhugas ng kamay, social distancing at pagsusuot ng mask dahil nandiyan pa rin ang virus na hindi nakikita.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with