Meralco, may 4-araw na maintenance works
Humingi naman ang Meralco ng paumanhin at pang-unawa sa kanilang mga kostumer na maaapektuhan ng mga isasa­gawang pagkukumpuni na layong paghusayin pa ang ipinagkakaloob nilang serbisyo.
STAR/ File
Meralco, may 4-araw na maintenance works
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpaabiso na ang Manila Electric Co. (Meralco) hinggil sa maintenance works na kanilang isasagawa sa loob ng apat na araw ngayong linggo na inaasahang magdudulot ng pansamantalang pagkawala ng suplay ng kuryente sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.

Sisimulan ang maintenance works ngayong Lunes, Hulyo 13 at magtatagal hanggang sa Hul­yo 16, Huwebes.

Kabilang sa mga inaasahang maaapektuhan nito ay ang Quezon City ngayong Hulyo 13.

Habang sa Hulyo 14, apektado ang Batangas City at Sto. Tomas sa Batangas province; Novaliches, Quezon City at Antipolo City sa Rizal Province;

Barangay Milagrosa, Calamba City, Laguna na nakatakda sa Hulyo 14-15.

Gayundin, sa Hulyo 15 sa San Jose del Monte City sa Bulacan; Barangay Forbes Park, Makati City at sa Hulyo 15-16 at sa mga bayan ng Liliw, Nagcarlan, Pila at Sta. Cruz, sa Laguna, gayundin ang Quezon City dahil sa pagpapalit ng mga lumang poste ng kuryente sa Del Monte Avenue sa Barangay Paltok; at ang Makati City, na may nakakasang line reconstruction works sa Don Chino Roces Ave. sa Barangays Olympia at Tejeros.

Samantala, sa Hulyo 16 makakaranas ng power interruption ang Biñan City sa Laguna at Barangay Tumana sa Marikina City.

Humingi naman ang Meralco ng paumanhin at pang-unawa sa kanilang mga kostumer na maaapektuhan ng mga isasa­gawang pagkukumpuni na layong paghusayin pa ang ipinagkakaloob nilang serbisyo.

MERALCO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with