Sen. Go sa DICT: Transaksyon sa gobyerno, gawing hi-tech
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Para mas mapabilis ang pagtugon ng gobyerno ngayong panahon ng new normal dulot ng COVID-19 pandemic, hinikayat ni Sen. Bong Go ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na gawing hi-tech ang transaksiyon sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Sinabi ni Go na sa panahon ngayon ay mahalaga na hindi mapag-iwanan ang bansa pagdating sa transition sa digital tulad ng e-governance, e-commerce at  online learning.

Idinagdag pa ng Senador na dahil sa COVID-19 pandemic, naging limitado ang physical mobility at face-to-face transactions sa mga government offices gayundin sa government to citizens transactions.

Binigyang diin ni Go na dapat makasabay ang gobyerno sa  modern ways ng pakikipag-ugnayan nito sa mga mamamayan na dati ay face-to-face lang nagagawa.

Para sa kanya, tiyak na mas mapapalapit ang gobyerno sa mga mamamayan sa pamamagitan ng e-governance at modernong plataporma.

Matagal na umanong nagrereklamo ang publiko sa lumang sistema ng kalakaran sa gobyerno tulad ng matagal na pagkuha ng lisensiya o iba pang dokumento sa mga government offices habang  ang kasalukuyang health crisis ang patunay na hindi na puwede ang makalumang transaksyon.

Inihayag pa ng senador na dapat gamitin ang teknolohiya para maging mas maayos at komportable ang buhay ng sambayanan at matiyak na ligtas sila sa pandemya.

Ayon pa kay Go, hindi lang new normal ang dapat pinaghahandaan kundi ang “better normal” para sa mga kababayang umaasa sa gobyerno.

DICT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with