PRC, may donation drive ng blood plasma
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - July 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakda nang simulan ng Philippine Red Cross (PRC) nga­yong Lunes ang pagsasagawa ng donation drive ng convalescent plasma para makatulong sa mabilis na recovery ng COVID-19 patients.

Kaugnay nito, hinikayat ni PRC Chairman at CEO, Sen. Richard Gordon, ang mga pas­yente na gumaling na mula sa naturang ka­ramdaman at may sapat na neutralizing antibo­dies na huwag magdala­wang-isip na mag-donate ng blood plasma dahil malaki ang maitutulong nito sa mga pasyente ng virus.

Ayon kay Gordon, malaking bagay ito dahil maraming tao ang umaasang gagaling sila mula sa virus.

Aniya, ang mga nais na mag-donate ng blood plasma ay maaaring tumawag sa PRC hotline na 143 o 09175820499.

Samantala, sinabi naman ni Dr. Monina Nalupta, director ng National Blood Services ng PRC, na ang mga interesadong mag-donate ay kinakailangang edad 18-65 at handang sumailalim sa physical at medical examination.

Una nang sinabi ng World Health Organization (WHO) na makatutulong ang plasma transfusion para palakasin ang immunity ng mga pasyente ng COVID-19.

PRC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with