Sa Laging Handa public briefing, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi nila ipinagbabawal ang pagbebenta sa mga drug stores ng mga rapid anti-body tests subalit kailangang rehistrado at aprubado ng Food and Drugs Administration.
AFP/Prakash Mathema, file
Rapid test kits ibebenta na sa mga botika
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinahintulutan na ng Department of Health (DOH) ang pagbebenta ng mga rapid antibody test kits sa mga botika.

Sa Laging Handa public briefing, nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hindi nila ipinagbabawal ang pagbebenta sa mga drug stores ng mga rapid anti-body tests subalit kailangang rehistrado at aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA).

Gayunman, ipinagbabawal naman ang online selling ng mga rapid tests kung walang pahintulot ng FDA.

“Itong pagbebenta ng rapid anti-body tests sa drug stores ito ay hindi naman ipinagbabawal, ngunit kailangan po rehistrado ng FDA ‘yung ating ibinebenta diyan,” ani Vergeire.

“Kapag po nakita and nagkaroon ng ebidensiya na talagang hindi rehistrado ang ibinibenta nila, may mga kaukulang sanctions po ‘yan ayon sa ating batas,” aniya pa.

Nauna rito, nitong Biyernes ay inaprubahan na ng FDA ang kabuuang 204 COVID-19 test kits kabilang dito ang 71 polymerase chain reaction (PCR)-based test kits, 77 rapid antibody test kits, 51 immunoassay test kits, at limang iba pa.

DOH FDA RAPID TEST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with