Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na habang nakatakdang magsagawa ang DepEd ng dry run sa distance learning sa unang linggo ng Agosto, matutukoy naman sa mga dry run ng LGU ang mga posibleng maging problema at solusyon upang gumanda ang implementasyon ng localized LCP.
Geremy Pintolo, file
Dry run bago buksan ang klase sa Agosto hirit ni Win
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang makita ang mga posibleng maging problema, iginiit ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga local government units (LGUs) na magsagawa ng dry run ng kanilang bersiyon ng Learning Continuity Plan (LCP) ng Department of Education (DepEd) bago buksan ang klase sa Agosto 24.

Sinabi ni Gatchalian na habang nakatakdang magsagawa ang DepEd ng dry run sa distance learning sa unang linggo ng Agosto, matutukoy naman sa mga dry run ng LGU ang mga posibleng maging problema at solusyon upang gumanda ang implementasyon ng localized LCP.

Anya, ang mga dry runs ng mga LGUs ay dapat naka-disenyo sa kung ano ang pinaka-gustong paraan na gagamitin sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng mga estudyante sa mga nasasakupan nilang lugar.

Sinabi rin ni Gatchalian na mas maraming mag-aaral ang gusto ng modular learning dahil sa problema sa koneksiyon ng wi-fi.

Inihalimbawa ni Gatchalian ang Navotas na namamahagi ng mga kahon na naglalaman ng textbooks, self-learning modules, activity sheets, at school supplies.

Kabilang sa alternatibong paraan ng pag-aaral sa ilalim ng LCP ang modular learning o paggamit ng mga printed at digital modules, online learning, at paggamit ng radyo at telebisyon.

Ayon sa DepEd, 7.2 milyong estudyante ang nais gumamit ng modular learning, television at radio-based instruction samantalang 2 milyon ang gusto ng online learning.

Dapat aniyang masiguro na matututo ang mga mag-aaral at mananatili silang ligtas sa gitna ng kasalukuyang pandemya.

DEPED LGUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with