PNP forces inalerto vs terrorists, criminal attacks
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inalerto na nitong Sabado ni Philippine National Police Chief Gen. Archie Gamboa ang lahat ng PNP units sa bansa laban sa posibleng pagsasamantala sa pandemya ng mga terorista at kriminal na grupo upang umatake sa security forces ng kapulisan.

Kasunod ito ng nang­yaring pag-atake ng lokal na teroristang grupo na nagpasabog sa Bgy. Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao na ikinasawi ng isang pulis at isang sibilyan habang apat pa ang nasugatan noong Huwebes ng gabi.

Ang nasawing pulis na si P/Master Sergeant Antonio Balasa ay napuruhan sa pagsabog at ang sibilyang driver na kinilala sa alyas Bobby.

Sugatan naman sa insidente ang apat pang pulis na sina Sergeant Larry Amoran, Staff Sergeant Guerrero Domingo, Cpl. Guai Mangrag at Cpl. Clyde Peria.

Nagpapagaling na sa Maguindanao Provincial Hospital ang tatlong pulis habang si Peria ay inilipat sa Cotabato Regional Medical Center dahil sa malubha nitong kalagayan.

Ang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang itinuturong nasa likod ng pagsabog.

Dakong alas-8:30 ng gabi noong Huwebes habang lulan ng behikulo ang mga biktima ay biglang sumabog ang itinanim na bomba sa highway sa Shariff Aguak may 300 metro lamang ang layo sa Maguindanao Provincial Police Headquarters.

PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with