Malacañang ipinauubaya na sa eksperto ang mga hakbang ukol sa pagiging airborne ng COVID-19
MANILA, Philippines — Ipinaubaya na ng Malacañang sa health experts ang naging pahayag ng World Health Organization (WHO) na ang COVID-19 ay maaaring makuha sa pamamagitan ng hangin.
“We will be fully supportive of ideas based on science and hard data,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
Habang tinatalakay aniya ng scientific community ang mode of transmission ng COVID-19, ay tinawagan naman ng pansin ng Malacañang ang mga mamamayan na patuloy na iobserba ang minimum public health standards, gaya ng pagsusuot ng masks, paghuhugas ng kamay at social distancing.
“Let us continue to protect people who are considered vulnerable, which include but not limited to our senior citizens, those with co-morbidities, pregnant women by staying at home to save lives,” ayon kay Sec. Roque.
Aniya, nagawa na ito ng mga Filipino noon nang 8 mula sa 10 katao ay naniniwala na ang “stay-at-home measures” ay sulit sa pagligtas sa buhay, ayon sa recent survey.
- Latest