^

Bansa

Walang face mask pagdadamputin!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Walang face mask pagdadamputin!
“But if we don’t pu­nish to teach we will never risk opening up and the eco­nomy will die. Dictatorship will be unavoidable,” sabi pa ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
DFA/Released

MANILA, Philippines  — Iminungkahi ni Fo­reign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa Inter-Angency Task Force (IATF) na arestuhin ang mga taong walang suot na face mask at ilagay sila sa isang malaking bakanteng lugar tulad ng parking lots para magtanda.

Ito ang tugon ni Locsin sa tweet ng mamamahayag at siklistang si Howie Severino na inaresto sa Quezon City noong Miyerkules matapos na makita ng isang enforcer na walang mask dahil umiinom ng tubig.

Ayon sa kalihim, kung hindi paparusahan ang mga taong lumalabag ay manganganib ang lahat at ang ekonomiya ng bansa ay mamamatay.

“But if we don’t pu­nish to teach we will never risk opening up and the eco­nomy will die. Dictatorship will be unavoidable,” sabi pa ni Locsin.

Wika pa ng kalihim na kanyang imumungkahi sa IATF na ilagay sa isang bakanteng lugar tulad ng parking lots ang mga sumusuway at hindi nagsusuot ng face mask para magkaroon ng social distancing.

Magugunitang uma­bot sa 874 offenders ang nahuli ng pinagsanib na puwersa ng QC government at QC Police nang isagawa ang sorpresang  “one-time big-time” laban sa mga taong hindi nagsusuot ng face mask habang nasa labas ng kanilang mga tahanan.

vuukle comment

IATF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with