PNP chief sa mga pulis sa checkpoints: Umayos kayo!
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ni PNP Chief General Archie Gamboa ang lahat ng pulis na nakatalaga sa checkpoints o Quarantine Control Points (QCPs) na istriktong sumunod sa probisyon ng PNP Ethical Standards.
Ayon kay Gamboa, inatasan niya ang Directorate for Operations na ipinaabot ang direktiba sa lahat ng Regional Directors matapos makatanggap ng ilang reklamo ukol sa nagiging asal umano ng ilang pulis sa mga checkpoint.
Nagpaalala ang PNP chief sa lahat ng pulis na dapat magkaroon pa rin ng respeto lalo na sa mga babae at nakatatanda.
Iwasan din aniya ang pagkuha ng larawan ng mga pribadong dokumento.
Kung patuloy aniya ang mga reklamo, may kakaharaping kaso ang mga ito.
“This is a fair warning to all the Regional Directors and their personnel on QCPs, if we continue to receive reports about being rude and impolite, I will not tolerate it and you shall be dealt with accordingly,” dagdag ni Gamboa.
- Latest