^

Bansa

3 ektaryang lupa sa Cebu City ginawang libingan ng mga namamatay sa COVID-19

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Nasa tatlong ektaryang lupain ang inilaan ng Cebu City Government para gawing burial site o libi­ngan ng mga namamatay dahil sa COVID-19.

Ayon kay retired Ge­neral Wilben Mayor ng National Task Force COVID -19, ginawa ito ng Cebu City at inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Di­seases (IATF-EID) Visayas dahil sa kakulangan ng crematoriums sa siyudad.

Aniya, tatlong crematorium lang meron sa Cebu City at kada araw ay apat na bangkay lamang ang naki-cremate kaya wala silang ibang opsyon kundi ilibing ang mga namamatay sa COVID.

Ang libingan ay maki­kita sa Sitio Catives II ng Cebu City at tinawag na Cebu City Botanical Memorial Garden.

Tiniyak naman ni Cebu City Councilor Dave Tumulak na siya ring chairperson ng city council’s Committee on Risk Reduction and Management na walang risk sa kalusugan ng mga residenteng malapit sa lugar.

Sa halip, makakatulong pa nga raw ito para magkaroon ng kabuhayan ang mga residente na malapit sa area.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with