'Hindi niyo uli gets': Roque inilinaw ang pagsayaw ng gobyerno vs COVID-19
James Relativo (Philstar.com) - July 9, 2020 - 1:34pm

MANILA, Philippines — Nagpaliwanag si presidential spokesperson Harry Roque sa kontrobersyal na pahayag tungkol sa "pagsayaw" para harapin ang banta ng nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19), bagay na pinagkatuwaan sa memes ng netizens ilang araw na ang nakalilipas.

"Marami pong hindi nakakuha ng sinabi ko at naging subject na naman ako ng memes, at binuhay ang aking TikTok video. Hindi po ito literal na sayaw," sabi niya sa isang virtual briefing, Huwebes.

"Meron po tayong tinatawag na 'Hammer and Dance Theory' kung paano natin nilalabanan ang COVID."

Basahin: 'Patok sa TikTok?': Ex-Duterte spokesperson todo-hataw sa dance video

Paliwanag ng ex-human rights lawyer at dating mambabatas, tumutukoy ang "hammer" sa striktong patakaran ng gobyerno para martilyuhin ang COVID-19 cases pababa, habang ang "dance" naman ay kaugnay ng dahan-dahang pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya.

Swak naman ang depinisyon na 'yan kung ihahambing sa una niyang sinabi, na pinagkatuwaan nang marami: "Some will say kinakailangan nating sayawan ang COVID-19. Kasi sa Pilipino, when you have to live with something, sayawan mo na lang pero… iyan po ang gagawin natin."

"Sasayawan po natin, we have to deal with COVID-19. We have to resume with our economy, and at the same time protect our people." 

Dati nang gumamit ng talinhaga (metaphor) si Roque kaugnay ng pagsugpo sa COVID-19, na hindi rin daw na-gets ng publiko.

Ipinagmalaki kasi ng tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang "pagtalo" sa 40,000 case projection ng mga mananaliksik sa Unibersidad ng Pilipinas pagsapit ng katapusan ng Hunyo.

Basahin: Roque stands by controversial 'congratulations' remark, says he will make them every month

May kaugnayan: Roque nagbunyi vs COVID-19 projection ng UP kahit 10k pang 'positibo' hinahabol

'Hammer and dance theory'

Pinalalim naman ni Roque ang pakahulugan ng nasabing teorya, bagay na ginagamit diumano ng gobyerno para kontrolin ang pagsirit ng mga kaso.

"Ang hammer po ay 'yung ginawa nating desisyon na magkaroon ng lockdown. Ito po ay para po mabawasan nga ang pagkalat ng virus at kinakailangan nating kumuha ng mga tao para gumamot ng mga tao. 'Yan po 'yung hammer," sambit niya.

"Pero 'yung dance naman po ay kapag napababa naman natin 'yung banta ng sakit, ay dahan-dahan naman nating bubuksan ang ating ekonomiya."

Aniya, dapat ay mapanatili ng bansa na mas mababa sa isa ang R0 (naught) o reproduction rate ng Pilipinas, kasabay ng "mas malawakang testing, contact tracing, quarantine at isolation." Ang reproduction rate ay tumutukoy kung gaano kabilis makahawa ang ang mga pathogen gaya ng coronavirus.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kapag mas mababa sa isa ang reproduction rate ay hindi gaano kabilisan ang pagkalat ng isang sakit, dahilan para mapatag ang "epidemic curve." Pero isang na lumabis na ito rito, kumakalat pa ito nang husto.

Noong Hunyo, mas mababa sa isa ang R0 ng Metro Manila ngunit 1.2 ito sa buong Pilipinas.

"Magkakaroon tayo mas malawakang public education sa hygiene at social distancing. Magkakaroon tayo ng patuloy po na pagba-ban sa gatherings, bagama't sa mga MGCQ ay 50% capacity. Bagama't ang karamihan po ng restrictions ay matatanggal na ano," patuloy ng presidential spokesperson.

Umabot na sa 50,359 ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon. Sa bilang na 'yan, 1,314 na ang patay.

Simula noong nakaraang Biyernes, higit 1,000-2,000 ang nadadagdag sa arawang talaan ng DOH na nagkakaroon ng COVID-19. — may mga ulat mula sa ONE News

HARRY ROQUE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with