Makikitang pinapara ng opisyal na ito ang lalaki't babae na nakasakay sa parehong motorsiklo, bagay na bawal sa ngayon dahil sa banta ng hawaan ng COVID-19
The STAR/Edd Gumban, File
'Basta may shield': Backriding ng mag-asawa sa motor papayagan na uli simula July 10
James Relativo (Philstar.com) - July 9, 2020 - 11:40am

MANILA, Philippines — Matapos pagbawalang umangkas sa motorsiklo ang mga tao buhat ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic, maaari na uli itong gawin ng mga mag-partner simula bukas, ayon sa desisyon ng government task force kontra pandemya.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año sa panayam ng Teleradyo, pwede na raw ito sa Biyernes basta't gagamit ng "protective shield" sa pagitan ng magmamaneho at pasahero.

"Simula bukas, papayagan na natin 'yung backriding para sa mga couple at 'yung prototype model na isinubmit ni Gov. Art Yap ay approved na ‘yan ng NTF (National Task Force)," sabi ni Año, Huwebes.

Ilang grupo at kumpanya na ang nagpasa ng kani-kanilang prototype sa gobyerno upang muling matiyak ang ligtas na pag-angkas sa mga motorsiklo, ngunit ang disensyo pa lang daw nina Yap ang aprubado.

Tumatanggap pa rin naman daw sila ng aplikasyon sa ngayon. Ilan sa mga nagsiwalat na ng kani-kanilang pananggalang ay ang motorcycle taxi service na Angkas at Citimuber.

Maraming Salamat po sa mga comments natin Good or Bad. Tatanggapin po namin. Please research din natin ang gamit ng...

Posted by Citimuber Philippines on Wednesday, July 1, 2020

Aniya, kinakailangang lagpas sa ulo ang maprotektahan ng shield, at may hawakang nakakabit na maaaring hawakan ng aangkas. Dapat din daw na magsuot pa rin ng face mask at helmet ang magmamaneho at pasahero.

"Meron naman tayong TWG (Technical Working Group) na sumusuri d'yan at kaagad-agad namang kung ito naman ay safe para sa travel at talagang may barrier in between the rider and the passenger para hindi magkaraoon ng hawaan ng COVID ay ia-approve din naman kaagad 'yan," dagdag pa ni Año.

"Maganda ito sapagkat talagang protektado 'yung passenger pero s'yempre kailangan dito ang pag-iingat sa pagda-drive. Dapat susunod talaga tayo sa speed limit at saka kakaibang panahon ito, nabago natin configuration ng motorsiklo dapat dobleng pag-iingat sa pagda-drive."

Mayo pa lang ay nakikiusap na ang ilang mayor at vice mayor sa probinsya ng Cebu — na pinakanadisgrasya ng COVID-19 — para muling payagan ang mga magkakapamilya na umangkas sa motorsiklo lalo na't "convenient" ito.

Ganyan din ang matagal nang panawagan ni Cavite Gov. Jonvic Remulla lalo na't kabalintunaan daw na pwedeng magtabi sa kama ang mag-asawa pero bawal sa motorsiklo.

If they are allowed to ride the same air-conditioned cars, then why can't they ride the same motorcycle?" wika niya noong ika-21 ng Mayo.

"If they can share the same bed, then why can't they be together on their transport, be it a Toyota Vios or a Yamaha Mio?"

Related video:

BACKRIDING MOTORCYCLE NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with