ABS-CBN sinubukang 'manuhol' ng P200-M para sa franchise vote â solon
Kuha ng punong tanggapan ng ABS-CBN sa Lungsod ng Quezon
The STAR/Boy Santos, File
ABS-CBN sinubukang 'manuhol' ng P200-M para sa franchise vote — solon
(Philstar.com) - July 9, 2020 - 10:42am

MANILA, Philippines (Update 1, 12:12 p.m.) — Nauwi na raw sa paninilaw ng pera ang kampo ng Kapamilya Network makabalik lang sa ere, paglalahad ng isang mambabatas, nitong Miyerkules.

Ngayong linggo inaasahang tatapusin ng Kamara ang botohan para sa franchise renewal ng ABS-CBN matapos nitong mapaso noong ika-4 ng Mayo, bagay na naidulot ng pagkakabinbin nang mahigit isang dosenang panukalang batas sa Konggreso.

"May tumawag sa atin, nagpakilalang emisaryo ng ABS-CBN at hinihimok tayong bumoto pabor sa ABS-CBN kapalit ng P200 milyon," sabi ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap

"Simple lang ang sagot ko, hindi for sale ang prinsipyo at boto ko."

Wika pa ni Yap, natanggap niya ang tawag dalawang linggo na ang nakalilipas. Hindi niya raw agad ito isiniwalat sa dahilang 'di pa raw niya natitiyak kung taga-Dos talaga ang nag-utos sa tumawag.

Pinabulaanan naman na ng ABS-CBN ang akusasyon ni Yap, at sinabing patas silang lumaban para maibalik ang kanilang prangkisa.

"ABS-CBN did not send an emissary to bribe any lawmaker to vote in favor of our franchise application," wika ng kumpanya.

"We believe in the process and we have participated in the process. We answered all issues raised in the past 12 hearings."

Si Yap ay kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte, na una nang nagsabing hindi niya ipare-renew ang prangkisa ng istasyon kung siya ang masusunod. Hindi kasi naiere ng himipan ang kanyang mga political ads noong kumakandidao pa siya sa pagkapangulo noong 2016.

"Now, ABS-CBN, their franchise is due for renewal... But I will never also intervene. But if I had my way, I will not give it back to you," sabi ni Digong noong 2018.

Basahin: Duterte: If I had my way, I won't renew ABS-CBN's franchise

Sa kabila niyan, napatawad na raw ng presidente ang kumpanya matapos humingi ng tawad ni ABS-CBN president at chief executive officer (CEO) Carlo Katigbak. Gayunpaman, hindi raw siya mangingialam sa botohan at hahayaan ang lehislatura.

Pakiusap ng stars

Ilang Kapamilya stars sa ngayon ang nakikiusap na magbalik-himpapawid ang pinakamalaking broadcasting company sa Pilipinas, pinakabago na nga diyan ang tambalang Liza Soberano at Enrique Gil.

"Gusto lang namin na kumatok sa puso ninyo na baka sakali na mabigyan ninyo ng chance ang ABS-CBN," sabi ni Liza sa video na na ipinaskil ni Ogie Diaz, na kanyang talent manager.

Ganyan din ang pahayag ng kanyang ka-love team na si Enrique sa parehong video: "Sa lahat ng congressmen, ABS-CBN deserves a chance. Maraming-maraming salamat sa inyo."

Ilan sa kanilang pinakikiusapan ay si SAGIP party-list Rep. Rodante Marcoleta, na kilalang kontra sa ABS-CBN franchise renewal.

Dati nang inispluk ni Marcoleta na fan ng tambalang LizQuen ang kanyang misis. 

Lunes nang maglunsad lang ng "caravan" ng mga empleyado't mga tagasuporta ng ABS-CBN patungong Batasang Pambansa para ipanawagan ang pagbabalik ng kumpanya sa himpapawid. — James Relativo at may mga ulat mula kay The STAR/Edu Punay at News5

ABS-CBN ACT-CIS ENRIQUE GIL ERIC YAP LEGISLATIVE FRANCHISE LIZA SOBERANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with