Ito’y makaraang ami­nin mismo ng DOH na may 11 pagamutan sa Metro Manila ang nasa 100% kapasidad na ha­bang marami na rin ang malapit nang mapuno.
The STAR/Walter Bollozos
Mild, asymptomatic patients ‘wag munang tanggapin
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

DOH sa mga ospital

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga pagamutan na huwag munang tumanggap ng mga COVID patients na asymptomatic at may mild cases at sa halip ay i-refer ang mga pasyente sa mga pansamantalang treatment at quarantine facilities.

Ito’y makaraang ami­nin mismo ng DOH na may 11 pagamutan sa Metro Manila ang nasa 100% kapasidad na ha­bang marami na rin ang malapit nang mapuno.

“Part po ng ating protocol na kapag mild at asymptomatic, ire-refer po sa temporary treatment and monitoring faci-lity para di po ma-congest ang ating hospitals,” ayon kay Vergeire.

Ngunit nilinaw niya na ang mga pasyente na asymptomatic at mild ngunit may ibang karam­daman ay dapat pa ring tanggapin ng mga paga­mutan.

Sinabi rin ni Vergeire na hindi pa ito nararana-san ng mga pampublikong pagamutan. Mas malaking hamon umano ang siksikan ng mga pasyente sa mga pribadong pagamutan.

“Hospital kasi ang mag­re-refer dahil hindi naman puwede ang walk-in sa mga temporary treatment facilities. Hindi lang kasi basta ilalagay ang pasyente roon. Babantayan pa rin ang pas-yente to make sure that they are taken care of,” ayon pa sa opisyal.

Samantala, sinabi naman ng Philippine Gene­ral Hospital (PGH) na nasa 90% na rin ang kanilang kapasidad sa mga COVID beds.

Sinabi ni Dr. Jonas del Rosario na ito ay dahil sa pagdagsa ng mga pasyente sa nakalipas na pitong araw lalo na at isa sila sa referral centers sa Metro Manila.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with