Sa mensahe ng Pangulo kamakalawa ng madaling araw, sinabi nito na hindi pa tiyak kung ang 34,178 active cases na napaulat kamakalawa ay bahagi pa rin ng first wave, o dumating na ang bansa sa second wave.
Geremy Pintolo, file
Pinas nasa first wave pa lang – Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa unang wave pa rin ng COVID-19 ang Pilipinas, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa mensahe ng Pangulo kamakalawa ng madaling araw, sinabi nito na hindi pa tiyak kung ang 34,178 active cases na napaulat kamakalawa ay bahagi pa rin ng first wave, o dumating na ang bansa sa second wave.

Pero sa huli ay sinabi ng Pangulo na sa tingin niya ay nasa first wave pa rin ang bansa.

Binanggit din ng Pa-ngulo na kung tataas man ulit ang bilang ng mga magkakaroon ng impeksiyon, kakayanin pa rin itong matugunan ng gobyerno.

Pero kung bubuksan aniya ang buong ekonomiya ng Pilipinas at libu-libo ang magkakaroon ng COVID-19 araw-araw ay mahihirapan ang gob-yerno dahil wala ng pera.

“Because if you open the entire Philippines and thousands upon thousands of new cases would happen, then we are in deep s***. Talagang mahirapan tayo. Unang-una wala tayong pera. Well, of course, sabi ng mga doktor ngayon, ventilators iyong paggamit niyan is the last option of a person sick with COVID,” ani Duterte.

Kaugnay nito, sinabi ng Pangulo na naniniwala siya na sa Disyembre ay magkakaroon na ng vaccine o kung hindi man ay magkakaroon na ng gamot na pupuksa sa COVID-19.

Sinabi rin ng Pangulo na nakakalungkot sabihin na ang Cebu kung saan siya nagmula ay patuloy ang pagtaas ng bilang ng may COVID-19 kung saan binabalewala aniya ng mga tao ang sakit pati warning ng national government.

“Sad to say na it is the province where I come from, and that is why I warned the residents there that they should not take it against me...People were partying, gambling outside of their houses in Talisay, that’s in Cebu.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with