“And for the law-abiding citizen of this country, I am addressing you with all sincerity: Huwag ho kayong matakot kung hindi ka terorista. Kung hindi ka naman sisirain mo ang gobyerno, pasabugin mo ang simbahan, pasabugin mo iyong public utilities, pasabugin mo iyong... Well, just to derail para matumba na tuloy ang bayan,” sabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
STAR/File
Huwag matakot kung hindi terorista – Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang tumiyak na walang dapat ikatakot ang mga mamamayan sa Anti-Terrorism Act of 2020 o Republic Act 11479 lalo kung kabilang sila sa mga “law-abiding citizens at hindi naman mga te-rorista.

Ayon sa Pangulo, ang batas ay para sa mga may balak sumira sa gobyerno, at magpasabog ng mga pasilidad.

“And for the law-abiding citizen of this country, I am addressing you with all sincerity: Huwag ho kayong matakot kung hindi ka terorista. Kung hindi ka naman sisirain mo ang gobyerno, pasabugin mo ang simbahan, pasabugin mo iyong public utilities, pasabugin mo iyong... Well, just to derail para matumba na tuloy ang bayan,” sabi ni Duterte.

Una rito, sinabi ng Pangulo na tiyak niya na kukuwestyunin ng mga komunista ang ipinasang batas sa Supreme Court.

Ipinaalala rin ni Duterte na ang nasabing batas ang “legal weapon” sa paglaban sa mga terorista dahil ang terorismo ay hindi isa, dalawang putok lang ng baril dahil kalimitan ay mga nagpapasabog ng bomba katulad ng nangyayari sa Mindanao.

Idinagdag ng Pangu­lo na sa paningin ng mga komunista  ay hindi sila mga terorista at mga ibang uri sila ng nilalang na dapat gamitan ng ibang batas.

Related video:

RODRIGO ROA DU­TERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with