9 na pulis na sangkot sa Jolo shooting nasa Crame na
Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ang siyam ay sina Police Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri; P/Master Sgt. Hanie Baddiri; P/Staff Sgt. Iskandar Susulan; PSSgt. Ernisar Sappal; P/Corporal Sulki Andaki; Patrolman Moh Nur Pasani; PSSgt. Almudzrin Hadjaruddin; Patrolman Alkajal Mandangan at Patrolman Rajiv Putalan.
PTV News
9 na pulis na sangkot sa Jolo shooting nasa Crame na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa ilalim na ng restrictive custody sa Camp Crame ang siyam na pulis na nasangkot sa pagkamatay ng apat na sundalo sa Jolo, Sulu.

Ayon kay PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, ang siyam ay sina Police Senior Master Sergeant Abdelzhimar Padjiri; P/Master Sgt. Hanie Baddiri; P/Staff Sgt. Iskandar Susulan; PSSgt. Ernisar Sappal; P/Corporal Sulki Andaki; Patrolman Moh Nur Pasani; PSSgt. Almudzrin Hadjaruddin; Patrolman Alkajal Mandangan at Patrolman Rajiv Putalan.

Aniya, nai-turnover na ang mga ito kay Police Colonel Jerich Royales na Deputy Director for Operations sa Headquarters Support Service sa Camp Crame.

Sinabi ni Banac na ang paglilipat sa siyam na pulis ay kasunod ng imbestigasyon na isinasagawa ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ang siyam, kasama si Brig. Gen. Manuel Abu, Regional Director ng Police Regional Office sa Bangsamoro Autonomous Region ay dumating sa Metro Manila kamakalawa ng umaga via Cebu Pacific flight.

Tiniyak ni Banac  na makikipagtulungan ang PNP sa imbestigasyon upang malaman ang katotohanan.

CAMP CRAME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with