^

Bansa

Sen. Go: ‘Tulungan ang mga walang permanenteng bahay’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Para maibsan ang problema sa kakulangan ng pabahay sa bansa at mabigyan ng sariling bahay ang Filipino, hini-ling ni Sen. Bong Go na ipasa ang Senate Bills 203 at 1227.

Ayon kay Go, layon ng nasabing panukala na mabigyan ng sariling bahay ang mga pamilyang nawalan ng tirahan sanhi ng mga kalamidad at sunog.

Paliwanag pa ng senador na kailangang tulungan makabangon ang mga Filipino lalo na ang mga nasunugan para magkaroon ng sariling bahay at makabangon muli sa pamamagitan ng low cost housing programs and development, gayundin ang konstruk-syon sa ligtas at permanenteng evacuation centers.

Giit pa ni Go, kaya niya inihain ang nasabing mga panukala ay para mawala na ang mga squatters sa sarili nating bayan at magkaroon ang bawat Filipino ng isang maayos at disenteng bahay.

“Kaya ko po finile ang mga bills na ito dahil hangarin po natin na wala nang squatter sa ating sariling bayan. Gusto natin magkaroon ang bawat pamilyang Pilipino ng isang maayos at disenteng bahay,” sabi ni Go.

Ang SB 203 o ang Na­tional Housing Deve-lopment, Production and Financing Act ay layong madagdagan ang mga pabahay at matiyak ang sapat na pondo ng gob­yerno sa pagtatayo ng socialized housing sa mga susunod na taon.

Samantala, ang SB 1227 o ang Rental Subsi­dy Program Act ay layong mabigyan ng pabahay ang mga displaced families at tulungan silang masustina ang kanilang kabuhayan sa pamamagitan ng livelihood programs habang naghihintay sa kanilang permanenteng malilipatan.

Aniya, ang pagsisiksikan ng tao sa isang lugar ang isa sa mga dahilan ng mabilis na pagkalat ng iba’t ibang virus.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with