Nasa 97% naman ang okupadong mga COVID beds sa Lung Center of the Philippines, 89% ang East Avenue Medical Center at 83% sa UE Ramon Magsaysay Hospital.
The STAR/Walter Bollozos, file
COVID beds sa 11 ospital sa Metro Manila, puno na
(Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Puno na ang mga na­kalaang COVID beds sa mga intensive care units ng 11 pagamutan sa Metro Manila habang tatlo pa ang malapit na ring mapuno dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng nahahawa ng virus.

Tinukoy kahapon ng Department of Health ang mga pagamutan na puno na ang kapasidad mula pa nitong Hulyo 3 kabilang ang Vete-rans Memorial Medical Center; UST Hospital; University of Perpetual Help Hospital; Tondo Medical Center; Seamen’s Hospital; Philippine Children’s Medical Center; Metro North Medical Center and Hospital; Las Piñas Doctors Hospital; De Los Santos Medical Center; Chinese General Hospital and Medical Center at ang Capitol Medical Center.

Nasa 97% naman ang okupadong mga COVID beds sa Lung Center of the Philippines, 89% ang East Avenue Medical Center at 83% sa UE Ramon Magsaysay Hospital.

Samantala, nilinaw din ng DOH ang mga lugar  na nasa COVID hotspot na iniulat noong nakara  ang buwan ng Hunyo.

Sinabi ng kagawaran na wala pa sa hotspot ang mga siyudad ng Marikina, Muntinlupa at Makati.

“The following cities were mistakenly classified as hotspots and was based on a report last month. We are thankful to report that as of July 5, the mentioned cities show a significant decline in case growth,” ayon sa DOH.

Nabatid na bumaba ng 68% ang mga naitalang kaso ng COVID sa Marikina, 10% pagbaba sa Muntinlupa at may 4% pagbaba naman sa kaso sa Makati.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with