Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.
Michael Varcas
COVID case papalo sa 100K sa Agosto - UP study
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Malamang na abutin ng hanggang 100,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa huling araw ng Agosto.

Babala ito ni Professor Dr. Guido David, miyembro ng University of the Philippines OCTA Research group, kung hindi babaguhin ng pamahalaan ang sistema nito at mga paraang ginagawa para labanan ang pandemic.

Kasunod ito ng ulat ng record-breaking na pagtaas ng kaso ng COVID sa magkasunod na araw, 2,434 noong Linggo at 2,099 noong Lunes. Habang kahapon ay naitala naman sa 1,540 ang bagong kaso o 47,873 cases.

“Our current trajectory is quite high since we went under general community quarantine, it looks like we will reach at least 65,000 by the end of July,” pahayag ni David

Batay sa mga  researchers, posibleng umabot sa 25,000 infections ang maitala mula June hanggang July pero maaaring tumaas pa ng mahigit 35,000 mula July hanggang Agosto.

Bunga nito, inerekomenda ni David sa pamahalaan na higpitan pa ang mga borders at ilayo ang mga taong kumpirmadong positibo sa COVID at gamutin sa isang pasilidad at huwag payagan ang mga itong mag-home quarantine.

Kailangan din anya ang patuloy na mass testing sa bansa.

Tinaya naman ng DOH na makakapagsagawa sila ng testing sa may 1.63 milyong Pinoy o 1.5 percent ng populasyon hanggang sa katapusan ng Hulyo.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with