Sa Senate Bill 1641 ni Senator Leila De Lima, layon nito na maprotektahan at mapa-ngalagaan ang kalusugan ng mga senior citizens na mas madaling kapitan ng mga sakit.
STAR/Miguel De Guzman/File
Libreng bakuna sa senior citizens isinulong
Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil mas madaling kapitan ng virus at bacteria, isinusulong ni Sen. Leila De Lima ang libreng bakuna sa mga senior citizens.

Sa Senate Bill 1641 ni De Lima, layon nito na maprotektahan at mapa-ngalagaan ang kalusugan ng mga senior citizens na mas madaling kapitan ng mga sakit.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng Department of Health (DOH) ng libreng bakuna laban sa Influenza virus, Tetanus, Diptheria, Pertussi at Pneumococcal disease at iba pang katulad na vaccine ang mga senior citizens para sa kanilang maintenance.

Ang bakuna ay hindi lamang magbibigay depensa sa kanila kundi ma-iiwasan din ang pagdami ng bilang ng mga kaso ng nagkakasakit.

Bukod dito, dumadami na rin umano ang bilang ng mga matatanda kaya mahalaga na mabigyan ng proteksyon ng estado ang kanilang kalusugan.

Sa 2019 report ng Phi-lippine Statistics Authority, inaasahan na sa pagitan ng taong 2025-2030 ang transition ng aging population ng Pilipinas.

LEILA DE LIMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with