Non-essential foreign travels pinayagan na
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ang suspensiyon ng mga non-essential travels abroad ng mga Filipino.

Sa kabila nito, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na may mga reguirements para sa mga magbibiyahe kabilang dito ang pagbigay ng confirmed round-trip tickets sa mga biyaheng may tourists visas.

“Lahat ng travel restrictions na may kinalaman sa outbound travel ng mga Pilipino ay inalis na rin po. Huwag po muna tumalon sa tuwa. Bawal pa rin ang turismo pero ang mangyayari ay pag bibiyahe, mayroon tayong mga requirements na dapat ipakita sa ating Bureau of Immigration,” sabi ni Roque.

Dapat ding may sapat na travel at health insu-rance para sagutin ang mga gastos sa rebooking at accommodation sakaling ma-stranded at magpapagamot sa ospital kung sakaling may impeksiyon.

Ang halaga ng travel at health insurance ay ihahayag ng Department of Tourism.

Dapat din ay pinapa­yagan o hindi ban ang mga Filipino sa mga pupuntahang lugar.

Sa pagbalik sa Pilipinas, dapat sundin ang guidelines ng mga retur­ning overseas Filipinos gaya ng pagpapa-PCR at quarantine muna habang hindi pa lumalabas ang resulta ng PCR test.

INTER-AGENCY TASK FORCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with