'Bad apples lang': Palasyo nagsalita sa 2 pulis Ilocos Sur na suspek sa rape at pagpatay
James Relativo (Philstar.com) - July 7, 2020 - 2:53pm

MANILA, Philippines — Dinepensahan ng Malacañang ang Philippine National Police (PNP) bilang institusyon matapos batikusin nang marami ang umano'y pangmo-molestiya at pagpatay na ginawa ng dalawang kawani ng pulisiya ng isang menor de edad at kanyang kamag-anak sa Region 1 kamakailan.

Suspek kasi ngayon sina P/Staff Sergeants Marawi Torda at Dante Ramos sa pagpatay sa 15-anyos na ni Fabel Pineda at panggagahasa sa pinsan niyang 18-anyos sa Cabugao, Ilocos Sur.

Basahin: 2 parak suspek sa pagpatay sa 15-anyos

"Ang tingin ko naman po, marangal po ang PNP by and large, sila po ay propesyunal," pagpapapaliwanag ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang virtual briefing, Martes.

"Siyempre po sa dami po ng mga pulis sa kanilang hanay, siguro po may ilan diyan na bad apples... Pero antayin po muna natin ang resulta ng imbestigasyon ng [National Bureau of Investigation]."

Una nang naibalita na sinita ng dalawang pulis sina Fabel at kanyang pinsan dahil sa paglabag sa "quarantine curfew," ngunit nauwi raw ito sa pangmomolestya at panggagahasa noong ika-1 ng Hulyo.

Nakatakas si Fabel at nakapagsumbong pa sa presinto, ngunit pinagbabaril nang pauwi na kasama ang tiyuhin.

Ipinasisibak na sa serbisyo ni PNP chief Archie Gamboa sina Torda at Ramos sa loob ng 15 araw, ayon sa ulat ng GMA News nitong Lunes. Dinisarmahan at humaharap na sa reklamo ang dalawa.

"Well I think... hayaan po muna natin imbestigahan ang pagpatay na ito ng NBI. Kapag pulis po ang abusado, NBI po ang nag-iimbestiga para patas po ang imbestigasyon," sabi pa ni Roque.

"'Wag po kayong mag-alala. nagsimula na po ang imbestigasyon, and I will personally communicate with the [officer-in-charge], NBI [Assistant] Director [Eric] Distor for the details of the investigation."

Pagkundena

Umani naman nang malawak na batikos ang karumaldumal na sinapit ni Fabel ng sari-saring mga grupo.

"The Commission on Human Rights strongly condemns the killing of a 15-year-old girl who was gunned down by a riding-in-tandem on Thursday night, 2 July 2020, while on her way home in Cabugao, Ilocos Sur," sabi ni Commission on Human Rights spokesperson Jacqueline Ann de Guia kanina.

"This experience again puts into light the vulnerability of women and children to gender-based violences, especially during the pandemic. Many of stories remains unreported until we hear their horrors of struggle out in the open."

Magsasagawa naman daw ng sarili nilang imbestigasyon ang CHR Regional Office sa Region 1 sa pag-asang makakamtan ang hustisiya para sa dalagita.

Diring-diri rin sa galit ang grupong Gabriela Women's Party sa karumal-dumal na sinapit ng babae, at sinabing patunay daw ito na may "institutionalized" na pang-aabuso ang PNP sa kababaihan.

 

 

"How can victims reach out to authorities when an overwhelming number of supposedly law enforcers are shamelessly taking advantage of the quarantine restrictions to rape, abuse, and harass women and children?" wika ni Gabriela Rep. Arlene Brosas noong Linggo.

"We will file a House Resolution to investigate the rape and killing of Fabel Pineda and push for an immediate, transparent, and independent investigation into the cases of abuse committed by the police, as we cannot rely on the rotten institution to clean its ranks."

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS GABRIELA HARRY ROQUE ILOCOS SUR MURDER PALACE PHILIPPINE NATIONAL POLICE RAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with