“Pag lumala talaga at mawalan tayo ng critical care capacity o di kaya yung kanyang case doubling rate ay bumalik ulit sa dati na napaka-bilis wala po tayong alternatibo pero yun nga po ang ating pinapakiusap sa ating kababayan pag tayo po’y bumalik sa mas istriktong quarantine eh, baka wala na po tayong hanapbuhay,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
AFP/Maria Tan
Mas istriktong quarantine sa Metro Manila posible
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng bumalik ang Metro Manila sa mas mahigpit na quaran­tine kung patuloy na tataas ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 at masagad ang critical care capacity ng mga ospital.

“Pag lumala talaga at mawalan tayo ng critical care capacity o di kaya yung kanyang case doubling rate ay bumalik ulit sa dati na napaka-bilis wala po tayong alternatibo pero yun nga po ang ating pinapakiusap sa ating kababayan pag tayo po’y bumalik sa mas istriktong quarantine eh, baka wala na po tayong hanapbuhay,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Roque na importanteng mapabagal ang sakit para tuluy-tuloy ang pagbubukas ng ekonomiya na kaila­ngan upang hindi mamatay sa gutom ang mga mamamayan.

Nauna rito, sinabi ni Roque na huwag paniwalaan ang mga luma­labas na fake news na ubos na ang mga hospital beds.

“Nililinaw po namin na iyong mga kumakalat na fake news na ubos na raw po ang mga hospital beds ng ating mga hospital, hindi po iyan totoo,” sabi ni Roque.

Ayon kay Roque, 63% at moderate risk pa lang ang critical care utilization sa Metro Manila.

“Ang critical care utilization po ng Metro Manila – at ito po ay kasama na iyong hospital beds, iyong ICU beds, iyong mechanical ventilator at saka mga isolation beds – ay nasa 63% or ito po ay moderate risk pa lamang,” sabi ni Roque.

Dapat aniyang gamitin ang lahat ng “sandata” para mapabagal ang pagkalat ng COVID-19 katulad ng paggamit ng face masks, paghuhugas ng kamay, social distancing at panatilihing malusog ang katawan.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with