^

Bansa

DILG: Paglobo ng COVID cases, dulot ng pagluwag ng community quarantines

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
DILG: Paglobo ng COVID cases, dulot ng pagluwag ng community quarantines
Aminado rin naman si DILG Secretary Eduardo Año na isa ang mga locally stranded individuals (LSIs) at mga returning OFWs sa posibleng nakapag-contribute sa pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.
Edd Gumban/ File

MANILA, Philippines — Naniniwala si DILG Secretary Eduardo Año na ang naitatalang pagdami ng COVID cases sa bansa nitong mga nakalipas na araw ay posibleng may kaugnayan sa desisyon ng pamahalaan na luwagan na ang ipinatutupad nilang community qua­rantines.

“Somehow, ito ang resulta ng pag-open up natin, pag-downgrade ng classification, pagbubukas ng ibang business sectors na kailangan naman,” ayon kay Año.

Giit pa niya, handa ang pamahalaan sa laban kontra sa CO­VID-19 ngunit kaila­ngang makipagtulungan ang lahat para masugpo ang patuloy na pagdami ng kaso ng sakit.

Muli rin niyang pinaalalahanan ang publiko na sumunod sa mga panuntunang ipinatutupad ng pamahalaan, gaya ng physical distancing, pagsusuot ng face mask, regular na paghuhugas ng kamay at pananatili na lamang sa bahay kung hindi naman talaga kailangang lumabas upang makaiwas na mahawahan ng virus.

Aminado rin naman si Año na isa ang mga locally stranded individuals (LSIs) at mga returning OFWs sa posibleng nakapag-contribute sa pagkalat ng COVID-19 sa Pilipinas.

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with