Sa prediksyon ng UP-COVID-19 Pandemic Response Team, maglalaro mula 61,332 hanggang 95,590 ang mga kaso sa Agosto 31 kung saan ang nasa gitna nito o ‘cumulative count’ ay nasa 78,641.
The STAR/Walter Bollozos, file
Kaso ng COVID-19 aabot sa 95K sa Agosto
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maaari umanong umabot ng higit sa 95,000 ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng Agosto base sa kasalukuyang paglago ng bilang ng mga nahahawahan ng virus sa Pilipinas.

Sa prediksyon ng UP-COVID-19 Pandemic Response Team, maglalaro mula 61,332 hanggang 95,590 ang mga kaso sa Agosto 31 kung saan ang nasa gitna nito o ‘cumulative count’ ay nasa 78,641.

Ibinase ang mga numero sa nabuong ‘projection model’ ng UP Los Baños Biomathematics Team.  Nasa ‘medium risk’ umano ang numero para sa mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng katamtaman na populasyon, at nagpapatupad ng physical distancing.

Una nang nagbigay ng prediksyon ang UP na aabot sa 40,000 ang kaso ng COVID sa pagtatapos ng Abril.  Bagama’t umabot sa 37,500 ang kaso, hindi pa kasama dito ang backlogs ng Department of Health (DOH).

Bilang tugon ng DOH, sinabi ni Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas pinapalakas nila ngayon ang kampanya para magkaroon ng ‘beha­vioral change’ ang publiko o maging kaakibat na ng kanilang buhay ang ibayong kalinisan at pag-iingat na mahawa sa virus.

Ini-engganyo na rin ng DOH na magpatupad ang mga lokal na pamahalaan ng ‘selective lockdown’ sa mga lugar na may malaking pagtaas ng kaso sa kanilang lokalidad.

“Ngayon na medyo nag-ease down na tayo ng ating restriction and we are seeing this rise of cases, so talaga kailangan lang ho bawat isa sa atin ay sumunod sa mga pamantayan…” giit ni Vergeire.

Related video:

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with