Pulis na may COVID, 902 na
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - July 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 902 pulis ang kumpirmadong nagpositibo sa coronavirus batay sa tala ng Philippine National Police Health Service (PNPHS).

Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, sa naturang bilang 479 ang active cases, 414 ang gumaling at 9 ang nasawi.

Sinabi ni Gamboa na pinakamaraming naitalang pulis na nagka-COVID sa National Capital Region na 354 habang 248 sa Police Regional Office-7 (Central Visayas); 81 sa National Support Units; at 69 sa PRO 4-A (Calabarzon).

Aniya, nasa 830 suspected cases ang naitala sa PRO7 na hinihintay ang resulta ng confirmatory testing.

Karamihan sa mga nagpositibo ay nagsisilbing mga frontliner na nagpapatupad ng quarantine, checkpoint at nagsasagawa ng pagpatrulya.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with