Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga nagpadala sa kanila ng notice ay mula pa nitong Enero hanggang ngayong buwan.
STAR/File
Higit 3K kumpanya magsasara - DOLE
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 6, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patuloy ang negatibong epekto sa negosyo ng coronavirus disease nang higit sa 3,000 negosyo ang nagpasabi na sa Department of Labor and Employment (DOLE) na pansamantala munang magsasara.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ang mga nagpadala sa kanila ng notice ay mula pa nitong Enero hanggang ngayong buwan.

Ngunit nilinaw ng kalihim na wala pa namang kumpanya sa bansa ang nagsumite na ng aplikasyon para sa ‘bankruptcy’.

Dahil dito, aabot sa 2.7 milyong manggagawa ang maaapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pagtiklop ng mga negosyong ito.

Iba naman ang numero ng Philippine Statistic Authority (PSA) na nagsabi na nasa 7.3 milyong obrero ang nawalan ng trabaho nitong Abril dulot ng masamang epekto sa ekonomiya ng pandemya.

Bagama’t sinabi ni Bello na maaaring totoo ang survey ng PSA, iginiit niya na mas aktuwal ang kanilang mga numero dahil base ito sa bilang ng mga kumpanyang aktuwal na nagsasara.

“’Yung PSA kasi, survey ‘yun and it’s probably accurate. Sana naman ay hindi natin abutin ‘yung puntong ‘yun. Biruin mo, 7.3 million,” ayon kay Bello.

DOLE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with